Martes, Enero 26, 2016

Madame Bovary

(Ilarawan si Madame Bovary sa pelikula)
Si Madame Bovary o si Emma Bovary ay asawa ni Charles Bovary ay isang babae na hindi makuntento sa  mga bagay kung anong meron siya. Gusto niya kasi na mahigit pa ang natatanggap niya. Siya ay ambisosya.
(Sinu-sino ang naging karelasyon ni Emma? I detalye ang naging karanasan niya sa bawat isa.)
Charles Bovary. Ang orihinal na nagmamahal kay Emma (at asawa niya pa!) kaya lang na-bored siya kaya hindi nasiyahan si Emma.
Leon. Ito yung lalaking nakita ni Emma sa isang restawran. Nabighani si Leon kay Emma at dahil dun madalas na sila nagkikita (pumupunta pa nga siya sa bahay mismo nina Charles at Emma!). Madalas din sila nagpupunta sa hotel para mag—alam mo na.. (Hehe). Ngunit nainis si Leon dahil bigla-biglaan pagpunta ni Emma kay Leon sa gitna ng mga gawain niya at ayaw niyang pinag uusapan dahil pumatol siya sa may asawa.
Rudolph. (Ito ang lalaki kung san nagpakatanga si Emma) Siya ang lalaking manly ang dating (Ito yung gusto ni Emma na katangian ng isan lalaki). Nagustuhan agad to ni Emma at madalas niya ito pinupuntahan sa bahay nila para magkita. Ngunit inakala ni Emma na mahal siya ni Ruldolph yun pala pinaasa lang.
(Ano nagtulak kay Emma na mawalan ng gana sa kanyang asawa?)
Si Charles kasi isang doktor kaya medyo abala sa kanyang mga pasyente. Dahil diyan hindi nagkakaroon ng oras si Charles kay Emma. Kaya nawalan ng gana si Emma sa asawa niya.
(Kung ikaw si Leon, papatol ka ba sa may asawa?)
Kung ako si Leon? Naku, hindi ako papatol sa may asawa, nuh! Maling gawain iyon at kasalanan iyon sa mga mata ng Diyos kaya sapat na dahilan na yan na hindi ako papatol.
(Maituturing ba na wagas na pag-ibig ang nararamdaman ni Charles kay Emma? Emma kay Charles?)
Para sa akin, dapat naglapat talaga siya ng oras kay Emma para mapatunayan na mahal pa rin ni Charles si Emma. Si Emma naman, kung mahal niya talaga si Charles mauunawaan ni Emma ang trabaho ni Charles dahi para lamang iyplon sa ikabubuhay nila.
(Ano ang maipapayo mo kay Emma ukol sa naglalagablab na damdamin dala ng nagdaang pag-ibig?)
Ang masasabi ko lang kay Emma na sana di mo na lang itinuloy yung pagpatol ng ibang lalaki kung alam mo naman na mali iyon.
(Ang mga kaganapan sa pelikula ay nangyayari ba kasalukuyang panahon? Paano mo masasabi?)
Sa kadami-dami ng tao di yun magyayari sa kasalukuyang panahon natin? May tao talaga na di kuntento at naghahanap pa nang kasiyahan nila at minsan ginagawa pa sa maling paraan.
(Ano ang mensahe ng pelikula?)
Tungkol ito sa pagtanggap ng buhay na ibinigay ng Panginoon sa'yo at kung paano mo ito iha-handle.
 -Madame Bovary nobela ni Gustave Flaubert na ginawan ng pelikula

1 komento:

  1. Maraming salamat po sa pagbibigay ng kaunting impormasyon sa pagiging haliparot ni emma. =-)

    TumugonBurahin