Martes, Enero 19, 2016

Trahedya Sa Isang Mall

May naganap na pagnanakaw sa isang mall (Nccc) sa Tagum nung Enero 16, 2016. Nangyari ang insidente nang magbubukas pa lang ang mall (Siguro nung mga 8:30 am nagbukas yung mall) at umatake na ang siyam na armadong suspek. Pumasok cla at may binaril na isang guard na umano'y nagpumigil sa mga suspek .
Nung alas 9 nang umaga ay nandoon ako sa pangyayari. Pagbaba ko sa isang multicab sa bus stop sa harap ng mall ay may nakita akong dalawang tao naka maskara (isang maskara na katulad ng sinusuot ng mga maysakit) at may dalang baril. Nung una akala ko ay mga sekyu lang ang mga iyon sa mall. Nagtaka ako kung bakit isa sa kanila ay sinisigawan ang mga tao, sabi ko pa sa sarili ko "Weirdo ang mga guard na to ay!"(Pi-picturan ko sana sila ngunit sabi ng kutob ko na 'wag.'). Napansin ko rin na ang mga tao sa labas ay tumatakbo pa layo sa mall. Iba na ang kutob ko dun pero chill pa rin ako kasi AKALA ko wala lang iyon at patuloy ako sa paglalakad. Ilang sandali ay may narinig akong pamamaril ... At dun ko pa na-realize na holdapan na pla ito! (Hahayss, ang slow ko talaga! At tama lang na di ko sila pinicturan, baka binaril din ako!). Tumakbo na rin ako patungo sa isang skwelahan katabi lang sa mall. At dun na ako na ni-nervous, nanginginig ako at mabuti nalang okey ako (Phew!). Kaya pala nandoon ung dalawang armadong tao sa labas upang magbantay para walang makapasok na tao habang kinukuha ng kasamahan nila ang mga alahas (at iba pang bagay na magkakapera ka) sa loob ng mall. Hindi ko nakita ang ibang pangyayari basta't ang sabi-sabi ay nahuli ang isa sa mga suspek at ang iba ay nakatakas na (seriously?? Isa lng nakuha ng mga pulis?? Ang so-slow  din nila!). Matapos nang insidente ay isinara nila ang mall (Ngunit pagsapit ng hapon ay in-open pa rin nila, as if walang nangyari) para imbestigahan ng mga pulis. Hanggang ngayon isang misteryo pa rin kung sinu-sino ang ga suspek at bakit nila yon ginawa (Siguro gusto lang nila ng pera o kaya may iba pang rason.).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento