(Ilarawan si Madame Bovary sa pelikula)
Si Madame Bovary o si Emma Bovary ay asawa ni Charles Bovary ay isang babae na hindi makuntento sa mga bagay kung anong meron siya. Gusto niya kasi na mahigit pa ang natatanggap niya. Siya ay ambisosya.
(Sinu-sino ang naging karelasyon ni Emma? I detalye ang naging karanasan niya sa bawat isa.)
Charles Bovary. Ang orihinal na nagmamahal kay Emma (at asawa niya pa!) kaya lang na-bored siya kaya hindi nasiyahan si Emma.
Leon. Ito yung lalaking nakita ni Emma sa isang restawran. Nabighani si Leon kay Emma at dahil dun madalas na sila nagkikita (pumupunta pa nga siya sa bahay mismo nina Charles at Emma!). Madalas din sila nagpupunta sa hotel para mag—alam mo na.. (Hehe). Ngunit nainis si Leon dahil bigla-biglaan pagpunta ni Emma kay Leon sa gitna ng mga gawain niya at ayaw niyang pinag uusapan dahil pumatol siya sa may asawa.
Rudolph. (Ito ang lalaki kung san nagpakatanga si Emma) Siya ang lalaking manly ang dating (Ito yung gusto ni Emma na katangian ng isan lalaki). Nagustuhan agad to ni Emma at madalas niya ito pinupuntahan sa bahay nila para magkita. Ngunit inakala ni Emma na mahal siya ni Ruldolph yun pala pinaasa lang.
(Ano nagtulak kay Emma na mawalan ng gana sa kanyang asawa?)
Si Charles kasi isang doktor kaya medyo abala sa kanyang mga pasyente. Dahil diyan hindi nagkakaroon ng oras si Charles kay Emma. Kaya nawalan ng gana si Emma sa asawa niya.
(Kung ikaw si Leon, papatol ka ba sa may asawa?)
Kung ako si Leon? Naku, hindi ako papatol sa may asawa, nuh! Maling gawain iyon at kasalanan iyon sa mga mata ng Diyos kaya sapat na dahilan na yan na hindi ako papatol.
(Maituturing ba na wagas na pag-ibig ang nararamdaman ni Charles kay Emma? Emma kay Charles?)
Para sa akin, dapat naglapat talaga siya ng oras kay Emma para mapatunayan na mahal pa rin ni Charles si Emma. Si Emma naman, kung mahal niya talaga si Charles mauunawaan ni Emma ang trabaho ni Charles dahi para lamang iyplon sa ikabubuhay nila.
(Ano ang maipapayo mo kay Emma ukol sa naglalagablab na damdamin dala ng nagdaang pag-ibig?)
Ang masasabi ko lang kay Emma na sana di mo na lang itinuloy yung pagpatol ng ibang lalaki kung alam mo naman na mali iyon.
(Ang mga kaganapan sa pelikula ay nangyayari ba kasalukuyang panahon? Paano mo masasabi?)
Sa kadami-dami ng tao di yun magyayari sa kasalukuyang panahon natin? May tao talaga na di kuntento at naghahanap pa nang kasiyahan nila at minsan ginagawa pa sa maling paraan.
(Ano ang mensahe ng pelikula?)
Tungkol ito sa pagtanggap ng buhay na ibinigay ng Panginoon sa'yo at kung paano mo ito iha-handle.
-Madame Bovary nobela ni Gustave Flaubert na ginawan ng pelikula
Martes, Enero 26, 2016
Martes, Enero 19, 2016
Trahedya Sa Isang Mall
May naganap na pagnanakaw sa isang mall (Nccc) sa Tagum nung Enero 16, 2016. Nangyari ang insidente nang magbubukas pa lang ang mall (Siguro nung mga 8:30 am nagbukas yung mall) at umatake na ang siyam na armadong suspek. Pumasok cla at may binaril na isang guard na umano'y nagpumigil sa mga suspek .
Nung alas 9 nang umaga ay nandoon ako sa pangyayari. Pagbaba ko sa isang multicab sa bus stop sa harap ng mall ay may nakita akong dalawang tao naka maskara (isang maskara na katulad ng sinusuot ng mga maysakit) at may dalang baril. Nung una akala ko ay mga sekyu lang ang mga iyon sa mall. Nagtaka ako kung bakit isa sa kanila ay sinisigawan ang mga tao, sabi ko pa sa sarili ko "Weirdo ang mga guard na to ay!"(Pi-picturan ko sana sila ngunit sabi ng kutob ko na 'wag.'). Napansin ko rin na ang mga tao sa labas ay tumatakbo pa layo sa mall. Iba na ang kutob ko dun pero chill pa rin ako kasi AKALA ko wala lang iyon at patuloy ako sa paglalakad. Ilang sandali ay may narinig akong pamamaril ... At dun ko pa na-realize na holdapan na pla ito! (Hahayss, ang slow ko talaga! At tama lang na di ko sila pinicturan, baka binaril din ako!). Tumakbo na rin ako patungo sa isang skwelahan katabi lang sa mall. At dun na ako na ni-nervous, nanginginig ako at mabuti nalang okey ako (Phew!). Kaya pala nandoon ung dalawang armadong tao sa labas upang magbantay para walang makapasok na tao habang kinukuha ng kasamahan nila ang mga alahas (at iba pang bagay na magkakapera ka) sa loob ng mall. Hindi ko nakita ang ibang pangyayari basta't ang sabi-sabi ay nahuli ang isa sa mga suspek at ang iba ay nakatakas na (seriously?? Isa lng nakuha ng mga pulis?? Ang so-slow din nila!). Matapos nang insidente ay isinara nila ang mall (Ngunit pagsapit ng hapon ay in-open pa rin nila, as if walang nangyari) para imbestigahan ng mga pulis. Hanggang ngayon isang misteryo pa rin kung sinu-sino ang ga suspek at bakit nila yon ginawa (Siguro gusto lang nila ng pera o kaya may iba pang rason.).

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)